Skip to main content

Sobrang katangahan at kabaliwan.

Today was a crazy day!

Si Pia at si Kat, away ng away. Akala mo naman, may LQ (lover's quarrel). Parang mga tanga, sigaw dito, sigaw do'n. Pero infairness, nakakatuwa naman silang panoorin. Tawa lang nga ako ng tawa sa kanila eh. Bwiset. Sumakit tuloy tiyan ko :))

So kumain kami ng siomai. Bumili kami do'n sa may R.Papa. Si Kat at si Pia naman, nawili sa chili sauce. Ayun, pinaliguan nila yung siomai nila. Eh hala! Ang mga tanga, hindi alam na sobrang anghang pala. Yan tuloy. Si Kat pinawisan at namula ng bongga. Si Pia naman, naging uhuging bata bigla. Nakakatawa! Kulang na lang eh lumobo na yung sipon sa ilong niya. KADIRI! :) Buti na lang si Tagz, hindi naglagay ng chili sauce. At ako naman, onti lang ang nilagay. Pero anak naman ni Lapu Lapu! Maanghang pa din eh! Naintriga naman tuloy ako kung pa'no ginawa ni Kuya Tindero yun. Diyos ko. Nag-init yung labi ko. Pero syempre, mas malala pa din yung sa dalawang tanga :)

Dapat gagawa daw ng assignment sa Economics. Eh anong nangyari? Naglaro ng Poker sa Facebook at Left 4 Dead. Buti na lang talaga at exempted kami sa paggawa nu'n. Anak ng tokwa! Laos na laos naman na kasi yang swine flu issue na yan. Hindi na dapat pinagtutuunan pa ng pansin. Kasi naman yung loka loka naming professor eh. Wala na atang maisip na ipapa-assignment sa'min. Sa swine flu na lang tuloy bumagsak.

Nawili naman ako masyado sa Left 4 Dead. Mas trip ko na yun kesa sa Counter Strike. May thrill pa kasi bigla na lang sumusulpot yung mga zombie galing sa kung sa'n sa'n. Napapatili tuloy ako ng wala sa oras. Bwiset eh. Muka silang mga lamang loob na tinubuan ng katawan. Ang creepy tingnan. Eh tanga, kaya nga Left 4 Dead eh. Malamang may mga dead. Bwiset, ang tanga ko. Si Spiderman kasi eh :)

Uwian na! Pero gawa daw ulit muna ng assignment. Sa English at Filipino naman. Eh sus. Sinabi ko na nga ba. Wala ding mangyayari. Nagdaldalan at tawanan lang kami sa library. Eh sumakit naman talaga ng bongga yung tiyan ko. Ayaw nilang tumigil sa pagpapatawa. Kawawang Kat, hindi makatawa. Lumalabas daw kasi! Alam na. Hahaha. Buti na lang ako libreng libre tumawa. Sa sobrang pagkalibre, naubusan na ata ako ng oxygen sa katawan. Puro carbon dioxide na yung natira. Leche.

Eh di sabay nanaman kami ni Pia. Lagi naman eh. Walang kasawaan :) Nakatulog ako sa LRT. Si Pia naman kasi, napaka contageous. Hilig hilig kasing matulog kung sa'n sa'n. Nakakaloka. Eh ayun, nahawa tuloy ako. Pagdating sa Katipunan, sakay kaming FX. Anak ni Magellan! Si babae, kulang pa yung pamasahe ng dalawang piso! Sus mariosep santisima diyos por santo! Dalawang piso na nga lang eh! Si shonga naman kasi, hindi muna chineck yung pera niya. Ayan tuloy, pareho kaming natanga kung sa'n hahanap ng 2 piso. Eh sakto na lang din kasi yung pera ko. Eh hala! Bago pa kami makaisip ng paraan, ayan na si Manong Driver. Sinisingil na ang pamasahe namin. Woohh! Anong gagawin natin Pia? Baba na lang tayo?

Pababa na sana kami ng biglang may anghel na nagligtas sa buhay ni Pia. Yung babae na nakaupo sa harapan, nilibre si Pia ng 2 piso. Ayan kasi Pia. Sabi sa'yo eh, maglakad ka na pauwi. Simulan mo na. Baka sakaling maunahan mo pa ko. Tawa nanaman, parang mga tanga lang.

Eh puno na yung FX. Kaya alis na kami. Habang nasa daan, eto nanaman ang katangahan. Uso nga kasi yun eh. Di ba, Kat? Sabi ni Pia, letter 2 daw. Diyos ko naman. Kailan pa naging letter ang 2?! Sabihin niyo nga sa'kin! Anak ni Lapu Lapu nga naman talaga oh! Si Pia ata eh nakadrugs. Nadaigan pa pagiging sintu-sinto ko :))


Told you this was a crazy day. Even I exceeded my normal level of craziness. Damn!

Comments

Anonymous said…
tangena mga katangahan nga nman.. hahah!
cge lang.. libre nman yan eh.. saya saya! c pia lagi nman kulang pera nian eh.. katulad nung ngsine kme, may ng bgay din sknya ng 20pesos, kc walang pamasahe.. hai nku.. mga tanga tanga nga nman.. hahaha
Victoria said…
haha. oh? 20pesos? sino? kilala niyo ba? tae naman di ba. sana may pangalan ka. baliw! hahaha :))

Popular posts from this blog

Freaking out. Woohh.

I just wanna ask. DID I DO ANYTHING WRONG? Whenever I blog hop, all I say in their chatboxes is "Dropped by. :)" So seriously, what's wrong with that? Is there anything wrong with that statement? PLEASE, TELL ME! I'm kinda freaking out here, you know. Seriously. Okay, so what brought this question up? I was blog hopping when I encountered this girl's account. I was about to type in my usual statement--which is "Dropped by :)"--on her shoutmix. But what happened next just completely shocked me. I don't know why the hell my IP address was banned from her shoutmix. Seeing as that was my first time to visit her site. So she got me a little bit confused. Oh no, wait, scratch that. She got me a lot confused. So I'm kinda, sorta freaking out here. What did I do wrong? BOOHOO! Dahil nakain ko ang hikaw ko sa dila, LANGYA, minamalas ako. Masamang pangitain 'to mga kaibigan!

BITTER!

CLICK FOR A LARGER IMAGE. Eto lang ah, kung hindi niyo matanggap na wala kayo sa top 3, aba'y tantanan niyo ang panlalait. Nagmumuka kayong kawawa eh! Napaka bitter. Oo, nasasaktan ako. Dahil una, school ko yun. At pangalawa, friends ko ang cheering squad. Kaya kung hindi kayo naturuan ng sportsmanship, well, kawawa naman kayo. Mas lalo kayong nagmukang talunan. (Hindi ko nilalahat ah. Yung iba lang na akala mo naman kung sino. Wooohhh.) Status 1 : Yung comment, LUTO daw. Hahaha. Natawa naman ako. Kailan pa nagluto ang FEU?! Hindi mo lang kasi tanggap. Hahaha. Status 2 : Yung comment ulit, tanginang feu daw. HAHAHA! Eh di tangina din kung sa'ng school ka man galing. Boohoo! Status 3 : Itlog daw ang tamaraw. Osige, MEDYO agree ako dito. Hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa mga ulo nila at naisipan nilang magpanggap na manok. Napakalayo naman sa pagiging Tamaraw. Hahaha. Status 4 : Boo FEU daw. Akalain mo, KAIBIGAN ko 'to nu'ng HS ah. Katigas naman talaga ng

Mga Lalaki Talaga.

MAY BABAE NANAMAN ANG AKING BUTIHING AMA. Well, it's not really a shocking news to me anymore. Ever since I was a little kid, I've known that my father have other 'women' in his life. I actually thought that that was a normal thing. It's only when I reached the 3rd or 4th grade, I think, that I realized that what he's doing was actually bullshit. Oh well, whatever makes him happy. GO DADDY! Honestly, I thought my Dad already quit this crap. But I guess bad habits die hard . So, how did I found out? As usual, through the ever-so-proficient technology . I don't have any load, so I borrowed my Mom's phone. But she said she was using it, so she gave me my Dad's phone instead. I was just about to delete my message from the Sent Items folder when I saw this unknown number. Pakielamera ako eh, and I got a bit curious, so I opened the two message that my father sent to this--whoever this person is. First message : "Darling wala lang namimiss