Skip to main content

Puro kagaguhan nanaman.

Bangon na, people! Medyo maaga akong nagising ngayon eh. Woohhh!

Grabe. Muka pa din akong download. Naisip ko na lang na mag-update muna ng blog. Para naman di maging kawawa to. Hindi ko na napapansin eh :)

Eh ano ng mga nangyari sa'kin?
So kahapon, Tuesday 0728'09, tamang gaguhan lang. Puro ko "GAGO!". Kung nakakamatay nga daw yun eh malamang duguan na ang madlang Pilipinas. Para akong gago eh. Wala ng ibang nasabi. Hahaha.

Wait, pansin mo, Tagalog ako ngayon? Kasi naman. Nakakatanga kung ikwento ko ng English. Sige nga, translate mo sa English ang salitang "gago". Oh di ba. Ang hirap. Kaya wag na lang, di ba. Nevermind. Magta-Tagalog na ko. Para mas convincing ang story kong wala namang kwenta. Wapak!

Ayun na nga. Parang tanga. Umagang umaga kasi nagkakagaguhan na dito sa bahay. Puro "gago!" na lang. Eh di pagdating ko sa school, puro gago na din ako. Oha! Masaya! :)) Pakshet! Gago talaga. First period na first period, prelim exam sa English. Anak ng tokwa! Ang hirap! Diyos ko. Sana pala nag-aral na lang ako. Parang tanga eh. Tamang kopyahan lang kami kanina. Tas si Sir pa, kadiri, tamang pangungulangot lang sa harap ng klase. Nagtakip pa siya ng folder, eh hello, kamusta naman yung mga nasa gilid niya, kitang kita pa rin siya. YUCK talaga. Parang gago! Ewwww.

Oh eto na. Second period, Filipino. Kagaguhan nanaman. Prof kasi naming matandang babae dito, puro kalokohan at mga joke na lahat naman eh corny at nakakaasar lang pakinggan. Eh ayun, prelim exam din namin sa subject na yun. Woohh. Tae. Gumawa daw ng essay, tas may pinasagutang kung ano man. Langya. Eh hindi naman niya binabasa yun. Sayang lang sa effort. Check, check, 100! Ganun lang. Kaya di nalang ako nag-effort. Purokalokohan lang din sinulat ko dun. Wala namang mapapala kung aayusin ko pa gawa ko eh. Sayang lang. Mahirap ding mag-isip noh. Tagalog pa naman. Di ako magaling du'n. Nakakatanga lang.

Infairness, medyo naintindihan ko yung lesson namin sa Accoungting kahapon. Sana lang talaga mapasa ko yung departmental exam namin bukas. Wooohhh. Goodluck naman sa'kin. Tangna naman kasi eh. Napaka panget ng foundation ko ng Basic Accounting. Wala kasing kwenta prof ko du'n last sem. Walang ginawa kundi mag-laptop. Nakakapikon. Wala man lang tuloy kaming natutunan. Bwiset siya. Dapat sa kanya nagreresign na eh. Wala siyang silbi.

As usual, wala nanaman prof namin sa Law. Lagi na nga siyang wala, nagpa-additional pa siya ng ten articles. Anak naman ni Magellan! Adik ba talaga siya?! Wala pa nga kong natututunan sa kanya, may paadditional additional pa siyang nalalaman. Shet yan. Pakamatay na lang siya.

Shet, pansin niyo, napakamalas ko? Laging walang kwenta mga nagiging prof ko. Nakakainis. Nakakawalang gana lang tuloy mag-aral. Hay naku. Magdrop na lang kaya ako?! What do you think? Tae. Kung pwede lang ba eh. Matagal ko ng ginawa.


Kasabay ko umuwi sila Eric, Ginnuel at Shawee. Adventure kaming tatlo ni Ginnuel at Shawee. Tae. Walang masakyan eh. Kung anu-anong kalokohan na lang tuloy pinagsasabi namin.

May dumaang napakalaking truck.
Shawee: Angkas na lang tayo sa truck.
Ginnuel: Kung anu-anong pinagsasabi mo. Gago!

Nag-aabang ng Montalban na jeep.
Ginnuel: Sabit na ko.
Becs: Gago! Puno na kaya! Subukan mo!
Ginnuel: (padyak ng paa) Ehhhh. Magagalit na si Mommy ko!


May dumaan ulit na Montalban na jeep. Sakto. Wala pang nakasabit. Ang kaso, sige takbuhan na mga tao papunta du'n. Si Ginnuel ang lamya kumilos. Parang gago. Ayan. Iniwan na siya nu'ng jeep. Kami naman ni Shawee, tawa lang. HAHAHA :))

Habang nag-aabang. May nagtext kay Ginnuel.
Ginnuel: Akala ko si Mommy.
Becs: Sino ba yun?
Ginnuel: Wala lang.
Shawee: Magagalit na si Mommy.
Ginnuel: (out of nowhere) Anak, nakauwi ka na ba? Anak, basa ba yung likod mo ng pawis?
Becs: Hala. Ginaganyan ka pa ng Mommy mo?!
Ginnuel: Minsan.
Becs: Tae naman Ginnuel. Tanda mo na!
Shawee: Ako rin naman ginaganyan pa ni Mommy eh.
*Taeng mga lalaki to. MAMA's BOY!



Marami pang conversations, di ko na nga lang maalala yung iba. Haha. Nakauwi din naman kami. Masaya ang buhay :)
Pag-uwi, nag-chat pa kami ni Ginnuel.

Becs: Aga mo naman palang nakauwi eh.
Ginnuel: Maaga pa ba yan?! Wala na ngang araw eh. Gabi na.
Becs: Gago! Sinabi ko bang umaga?! Sabi ko maaga! Bobo!


Bigla pang nag-buzz si gago. May tanong daw. Ano kaya yun?! Naku. Hindi ko na ipagkakalat. Baka magtampo ng bonggang bongga si Ginnuel eh. Siya nagsabi niyan. Magtatampo daw siya ng bonggang bongga pag pinagkalat ko. Kaya di ko na sasabihin. Pero, Pia. Lagot ka talaga! Alam mo na yun! :))

Comments

Popular posts from this blog

Freaking out. Woohh.

I just wanna ask. DID I DO ANYTHING WRONG? Whenever I blog hop, all I say in their chatboxes is "Dropped by. :)" So seriously, what's wrong with that? Is there anything wrong with that statement? PLEASE, TELL ME! I'm kinda freaking out here, you know. Seriously. Okay, so what brought this question up? I was blog hopping when I encountered this girl's account. I was about to type in my usual statement--which is "Dropped by :)"--on her shoutmix. But what happened next just completely shocked me. I don't know why the hell my IP address was banned from her shoutmix. Seeing as that was my first time to visit her site. So she got me a little bit confused. Oh no, wait, scratch that. She got me a lot confused. So I'm kinda, sorta freaking out here. What did I do wrong? BOOHOO! Dahil nakain ko ang hikaw ko sa dila, LANGYA, minamalas ako. Masamang pangitain 'to mga kaibigan!

BITTER!

CLICK FOR A LARGER IMAGE. Eto lang ah, kung hindi niyo matanggap na wala kayo sa top 3, aba'y tantanan niyo ang panlalait. Nagmumuka kayong kawawa eh! Napaka bitter. Oo, nasasaktan ako. Dahil una, school ko yun. At pangalawa, friends ko ang cheering squad. Kaya kung hindi kayo naturuan ng sportsmanship, well, kawawa naman kayo. Mas lalo kayong nagmukang talunan. (Hindi ko nilalahat ah. Yung iba lang na akala mo naman kung sino. Wooohhh.) Status 1 : Yung comment, LUTO daw. Hahaha. Natawa naman ako. Kailan pa nagluto ang FEU?! Hindi mo lang kasi tanggap. Hahaha. Status 2 : Yung comment ulit, tanginang feu daw. HAHAHA! Eh di tangina din kung sa'ng school ka man galing. Boohoo! Status 3 : Itlog daw ang tamaraw. Osige, MEDYO agree ako dito. Hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa mga ulo nila at naisipan nilang magpanggap na manok. Napakalayo naman sa pagiging Tamaraw. Hahaha. Status 4 : Boo FEU daw. Akalain mo, KAIBIGAN ko 'to nu'ng HS ah. Katigas naman talaga ng...

Mga Lalaki Talaga.

MAY BABAE NANAMAN ANG AKING BUTIHING AMA. Well, it's not really a shocking news to me anymore. Ever since I was a little kid, I've known that my father have other 'women' in his life. I actually thought that that was a normal thing. It's only when I reached the 3rd or 4th grade, I think, that I realized that what he's doing was actually bullshit. Oh well, whatever makes him happy. GO DADDY! Honestly, I thought my Dad already quit this crap. But I guess bad habits die hard . So, how did I found out? As usual, through the ever-so-proficient technology . I don't have any load, so I borrowed my Mom's phone. But she said she was using it, so she gave me my Dad's phone instead. I was just about to delete my message from the Sent Items folder when I saw this unknown number. Pakielamera ako eh, and I got a bit curious, so I opened the two message that my father sent to this--whoever this person is. First message : "Darling wala lang namimiss...