Skip to main content

Sabaw na sabaw!

Gusto ko lang i-share na parang di na ko marunong mag-English. Dati, puro English yung mga posts ko, ngayon, wala na. Sabaw! Muka na kong Tagalog. Hindi nga lang pure. Pero Tagalog pa din. Kaya wag ka ng umangal. Try mong magsalita ng Tagalog talaga. Yung tipong walang halong kahit anong banyagang salita. Tingnan natin kung hindi dumugo yang ilong mo.

MOVING ON.
Midterm exam namin sa Accounting kanina. Mariosep! 6 hours na break. Huling klase ko 9 AM. Tapos 3 PM pa yung walanghiyang exam. Kamusta naman. Eh di as usual, mag-aaral DAW kunwari. Hanggang sa kwentuhan na lang ang inabot namin sa Library. Eh siyempre, ang mga kwentuhan namin, lalo na pag break, nauuwi lang sa dalawang bagay. Una, mapapasabak kami sa matinding lamunan. (Teka, may kwento pala ako du'n. Share ko mamaya.) At pangalawa, Counter Strike. Tama, counter strike. Lalaki nga ako eh. Bakit ba?! Mahilig ako sa mga bagay na kadalasan ay natitripan lang ng mga lalaki. Masama ba?



Nakatikim ka na ba ng street foods? Yung fishball, isaw, siomai, burger, turon, mani, mangga, patatas, kikiam, chicken balls, sweet corn... (Lintek! Nagutom ako bigla ah!) Yun din ang mga pagkaing napakasustansya at napakalinis. Pero kahit na. Masarap pa din. MURA PA! Ako pa. Eh ako ang taong parang pinagkaitan ng pera. Lagi na lang broke. Ewan ko ba kung bakit. Lagi pa naman akong gutom at natatakam sa mga pagkaing kalye. Muka tuloy akong buraot. Buraot dito, buraot du'n. Kaya busog pa din kahit na 5 piso lang ang pera. At kung hindi ka pa nakakatikim  nu'n, malamang lamang eh ubod ka ng yaman o kaya naman ubod ka lang ng ARTE. Kaya kung ako sa'yo, ganito lang yan. Isipin mo na mahirap ka at kalimutan mo lahat ng mga katarantaduhang sinabi sa'yo ng mga magulang mo tungkol sa mga pagkaing kalye. Dahil lahat ng yun ay pawang kasinungalingan lamang. Buhay pa naman ako di ba?!

O kaya naman eh, bawas-bawasan mo ang pagiging maarte at pagfe-feeling na isa kang Ayala o kaya naman eh pagpapanggap na isa kang apo sa tuhod ng mga Lopez at Cojuanco. Tigilan mo na yan. Kumain ka na lang ng fishball at isaw. Baka sakaling matauhan ka na.


Ewan ko ba kung bakit wala akong masabing matino. Pasensya na. Sabaw ang utak ko eh. Nilamon ng Accounting.

Comments

CK said…
AYUN! una ako! bwahaha =))
masarap ang street foods! nagutom ako! =))
Ashelia Zerrin said…
Wow! Saya kaya mag-Counter Strike!
Mdami lng tlga ndi nkkaintindi ng entertainment value ng gory shooting PC games! Hahaha.

The best ang street food ~ FISHBALL FOREVER! Hahaha.

Cge2, magta-Tagalog din ako sa isang buong post :D
Hi!
Haven't played Counter Strike in years! Busy fixing my blog. I love STREET FOODS though! I love fishballs. And guess what? I am crazy with oneday old chicks! I dont see any of those here in Katipunan. Last time I had those was a month ago in Cubao. When in Baguio I indulge in them! Do you eat Oneday old chicks too? Hehehehehehehe ;)
BabyDoll said…
Natry ko na nga yung straight tagalog. Haha! Mahirap! Panget pakinggan. Wow! Kamusta naman ang exam? Haha!
mark said…
love street Foods.. aheeh! eSp yuNG kwik2... aeejje!
ms. prince said…
hahahahaha! nice one mang!

makakain nga..tsk! miss ko na rin ang street pudz..hmmp.


pero pinaka fave ko ung pinoy..hehe! (:
Victoria said…
@Vin.
Ako din, gusto ko. Libre mo ko? :D

@Erica.
Oo, masaya talaga. Sobra! Yung feeling pa pag nakapatay ka. Ang saya! :D At nabasa ko na ang Tagalog post mo. Magaling! :P

@Adnos.
Years? Oh honey, you've missed A LOT. Lol. One day old chicks? That's balut right? Yup. I eat those. But haven't eaten one lately. :P

@Lianne.
Mahirap talaga. Kahit ako naloloka eh. Hahaha :) Okay naman. May parts na madali, merong mahirap. Grabe. Sana pumasa! :D

@Mark.
Gusto ko din ng kwek kwek. Waha! Ginugutom ako! Hahaha :DDDD

@Prince.
Hindi ba pinoy ang street foods? Ano? Teka. Naguluhan ako sa comment mo. Hahahah!
Michael said…
Ahaha Counter Strike Sniper ako! Medyo may pagkapareho ka sa aking kapatid :D

Isaw na Isaw talaga! Walang katumbas sakit lang sa tiyan lol. Ahahahaa!
Victoria said…
Hindi pa ko ganun kagaling sa one-shot eh. Laging sablay. Pero pinag-aaralan ko pa. Woohh :P

Mukang magkakasundo kami ng kapatid mo :)

Walang katumbas talaga. Hahaha. Sumasakit tiyan mo? Ako hindi. Hahaha xD
Nick said…
woah,parang ang hirap atang maging college.haha

Ako naman di ko kayang mag salita ng walang halong english...trained kase ako sa english eh..wahaha
Victoria said…
Trained din ako sa English. I was brought up in the English language. But I just rather speak in Tagalog. :D

Hindi mahirap ang collge. It's fun actually :)

Popular posts from this blog

Freaking out. Woohh.

I just wanna ask. DID I DO ANYTHING WRONG? Whenever I blog hop, all I say in their chatboxes is "Dropped by. :)" So seriously, what's wrong with that? Is there anything wrong with that statement? PLEASE, TELL ME! I'm kinda freaking out here, you know. Seriously. Okay, so what brought this question up? I was blog hopping when I encountered this girl's account. I was about to type in my usual statement--which is "Dropped by :)"--on her shoutmix. But what happened next just completely shocked me. I don't know why the hell my IP address was banned from her shoutmix. Seeing as that was my first time to visit her site. So she got me a little bit confused. Oh no, wait, scratch that. She got me a lot confused. So I'm kinda, sorta freaking out here. What did I do wrong? BOOHOO! Dahil nakain ko ang hikaw ko sa dila, LANGYA, minamalas ako. Masamang pangitain 'to mga kaibigan!

BITTER!

CLICK FOR A LARGER IMAGE. Eto lang ah, kung hindi niyo matanggap na wala kayo sa top 3, aba'y tantanan niyo ang panlalait. Nagmumuka kayong kawawa eh! Napaka bitter. Oo, nasasaktan ako. Dahil una, school ko yun. At pangalawa, friends ko ang cheering squad. Kaya kung hindi kayo naturuan ng sportsmanship, well, kawawa naman kayo. Mas lalo kayong nagmukang talunan. (Hindi ko nilalahat ah. Yung iba lang na akala mo naman kung sino. Wooohhh.) Status 1 : Yung comment, LUTO daw. Hahaha. Natawa naman ako. Kailan pa nagluto ang FEU?! Hindi mo lang kasi tanggap. Hahaha. Status 2 : Yung comment ulit, tanginang feu daw. HAHAHA! Eh di tangina din kung sa'ng school ka man galing. Boohoo! Status 3 : Itlog daw ang tamaraw. Osige, MEDYO agree ako dito. Hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa mga ulo nila at naisipan nilang magpanggap na manok. Napakalayo naman sa pagiging Tamaraw. Hahaha. Status 4 : Boo FEU daw. Akalain mo, KAIBIGAN ko 'to nu'ng HS ah. Katigas naman talaga ng

Mga Lalaki Talaga.

MAY BABAE NANAMAN ANG AKING BUTIHING AMA. Well, it's not really a shocking news to me anymore. Ever since I was a little kid, I've known that my father have other 'women' in his life. I actually thought that that was a normal thing. It's only when I reached the 3rd or 4th grade, I think, that I realized that what he's doing was actually bullshit. Oh well, whatever makes him happy. GO DADDY! Honestly, I thought my Dad already quit this crap. But I guess bad habits die hard . So, how did I found out? As usual, through the ever-so-proficient technology . I don't have any load, so I borrowed my Mom's phone. But she said she was using it, so she gave me my Dad's phone instead. I was just about to delete my message from the Sent Items folder when I saw this unknown number. Pakielamera ako eh, and I got a bit curious, so I opened the two message that my father sent to this--whoever this person is. First message : "Darling wala lang namimiss