Skip to main content

Laugh Trip.

Uuwi na lang, kailangan pa talaga may epal na ipis? Ano ba yan. Ayoko talaga ng lumilipad na IPIS! Sino ba namang may gusto, di ba? Naku. Kasi naman ang Maynila eh. Isang napakalaking basurahan! Pinupugaran na tuloy ng mga ipis. Okay lang sana kung gumagapang lang, kaso LUMILIPAD eh! Leche. Buti pa ang Marikina, malinis. O sige, ipinagmamalaki ko. Woohh!


Natawa naman ako sa nanay ko. Inutusan akong mag-burn ng CD, pang exercise daw niya. (Asa namang papayat pa siya. Ang sama ko. Lol.) Tapos yung mga kanta, Insomnia, Calle Ocho, Boom Boom Pow, Poker Face, Paparazzi, Diva, Ego, I Gotta Feeling. Kamusta naman di ba. Nakiki-RNB ang aking butihing ina. Yun naman.

AKO: Sa'n mo naman napulot mga kantang 'to?
MAMA: Eh bakit ba? Masama bang makinig ng mga ganyan?
AKO: Wala kong sinabi. Tinatanong ko lang kung sa'n mo napulot. RnB 'to eh. Muka ka kayang Willie Revillame. Pa'no, puro Love Radio at WRR pinapakinggan.
MAMA: Iba na taste ko. Wave na ko ngayon. Chaka, ano ba yun. Yung halimaw?
AKO: Halimaw?! Ano yun? Baka Monster?
MAMA: Ahh. Yun nga. MONSTER pala.

Ano ba yan! Super laugh trip. Bumenta naman nanay ko sa'kin. Halimaw daw. Pambihira! Sa bagay. Tagalog nga naman ng Monster ay halimaw. May point siya. Pero grabe, natawa talaga ko ng bongga. HAHAHA! At kung isa ka namang alien at hindi mo alam ang tinutukoy ko, Monster ay isang radio station. Kilala din siya bilang RX. Alam mo na?

Okay, so sorry naman. Medyo mababaw lang talaga ako. At napakadaling patawanin. Pagpasensyahan niyo na. Pero gusto ko lang din sabihin na ayoko talaga ng mga taong FEELING at mga taong USER. Tinuringang kaibigan, pero tigas ng muka. Feeling close na nga sa mga friends mong lalaki, may balak pa atang sulutin ex mo. Tapos, itetext at kakausapin ka lang dahil gusto niyang makipag-bonding daw sa mga friends NIYA na friends MO. Bakit, close? Last week nga lang kayo nagkakilala eh. Naku naman talaga. Uso mga ganyan ngayon. Ba't kaya? Hmm.

Masarap ang potato on stick at siomai at buko juice sa R.Papa. Kung taga FEU ka, alam mo kung sa'n yun. Gutom nanaman ako. Takaw ko talaga! Boohoo!

Comments

Mich said…
minsan talaga, ang nanay mo, bumebenta. hahaha!
CK said…
benta ng nanay mo. bwahaha =))
Victoria said…
@Mich&CK.
Abnormal ang nanay ko. Thank you. Hahaha.
Unknown said…
Hahaha! Ang cool ng mom mo! Astig!

Di ako taga FEU e, saan yun?
Victoria said…
Haha. Abnormal siya, actually. Hindi siya cool. HAHA!

Ahm, basta dun sa tapat ng univ namin.
tagz said…
PANALO UNG NANAY MO!
hahah.

nanay ko nga naghi-hiphob abs dati.
pero ngaun tinamad na.
ayun, botchog. :))
tagz said…
*hiphop po un. :))
Victoria said…
Anong hiphop abs? hahaha. sorry. taga bundok eh xD
Unknown said…
Madalaw nga minsan ang kainan na yan. =)
Victoria said…
Actually, hindi siya kainan. Isa siyang street na pinupugaran ng samu't saring street foods :)
Unknown said…
Cool! Tagal ko na din di nakaka gala sa area na yan. Maybe its time to see Manila again. =)
Carl said…
Astig ng ina mo
amp
LMAO!!

http://putokaputoko.blogspot.com/

Popular posts from this blog

Freaking out. Woohh.

I just wanna ask. DID I DO ANYTHING WRONG? Whenever I blog hop, all I say in their chatboxes is "Dropped by. :)" So seriously, what's wrong with that? Is there anything wrong with that statement? PLEASE, TELL ME! I'm kinda freaking out here, you know. Seriously. Okay, so what brought this question up? I was blog hopping when I encountered this girl's account. I was about to type in my usual statement--which is "Dropped by :)"--on her shoutmix. But what happened next just completely shocked me. I don't know why the hell my IP address was banned from her shoutmix. Seeing as that was my first time to visit her site. So she got me a little bit confused. Oh no, wait, scratch that. She got me a lot confused. So I'm kinda, sorta freaking out here. What did I do wrong? BOOHOO! Dahil nakain ko ang hikaw ko sa dila, LANGYA, minamalas ako. Masamang pangitain 'to mga kaibigan!

BITTER!

CLICK FOR A LARGER IMAGE. Eto lang ah, kung hindi niyo matanggap na wala kayo sa top 3, aba'y tantanan niyo ang panlalait. Nagmumuka kayong kawawa eh! Napaka bitter. Oo, nasasaktan ako. Dahil una, school ko yun. At pangalawa, friends ko ang cheering squad. Kaya kung hindi kayo naturuan ng sportsmanship, well, kawawa naman kayo. Mas lalo kayong nagmukang talunan. (Hindi ko nilalahat ah. Yung iba lang na akala mo naman kung sino. Wooohhh.) Status 1 : Yung comment, LUTO daw. Hahaha. Natawa naman ako. Kailan pa nagluto ang FEU?! Hindi mo lang kasi tanggap. Hahaha. Status 2 : Yung comment ulit, tanginang feu daw. HAHAHA! Eh di tangina din kung sa'ng school ka man galing. Boohoo! Status 3 : Itlog daw ang tamaraw. Osige, MEDYO agree ako dito. Hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa mga ulo nila at naisipan nilang magpanggap na manok. Napakalayo naman sa pagiging Tamaraw. Hahaha. Status 4 : Boo FEU daw. Akalain mo, KAIBIGAN ko 'to nu'ng HS ah. Katigas naman talaga ng...

Mga Lalaki Talaga.

MAY BABAE NANAMAN ANG AKING BUTIHING AMA. Well, it's not really a shocking news to me anymore. Ever since I was a little kid, I've known that my father have other 'women' in his life. I actually thought that that was a normal thing. It's only when I reached the 3rd or 4th grade, I think, that I realized that what he's doing was actually bullshit. Oh well, whatever makes him happy. GO DADDY! Honestly, I thought my Dad already quit this crap. But I guess bad habits die hard . So, how did I found out? As usual, through the ever-so-proficient technology . I don't have any load, so I borrowed my Mom's phone. But she said she was using it, so she gave me my Dad's phone instead. I was just about to delete my message from the Sent Items folder when I saw this unknown number. Pakielamera ako eh, and I got a bit curious, so I opened the two message that my father sent to this--whoever this person is. First message : "Darling wala lang namimiss...