Di ko maintindihan kung bakit ba nauuso ang katangahan at kamalasan sa panahon ngayon. Grabe! Tinamaan ata ako ng stupidity&unlucky syndrome eh. Kung meron nga talagang nage-exist na ganun.
Nagsimula ito kaninang umaga. Natulog ako ng alas dos ng madaling araw para lang matapos ko ang deputang research paper na yan. Gigising pa ko ng alas quatro. So ang lagay, dapat pala hindi na lang ako natulog, di ba? Pero wag ka, on time pa din akong nagising. Si Mariah Carey kasi. Ginising ako ng kagila-gilalas niyang boses sa kantang Obsessed. Wala akong hilig sa R&B, bilang lang. Pero kasi nagpalit kami ng cellphone ng kaibigan ko. Eh mukang R&B at Pop yun. So nawalan ako ng choice. Yun ang alarm tone ko.
Pero kasi, hindi naman talaga alarm tone ang tatalakayin ko sa post ko na ito. Kundi ang katangahan at kamalasang mga naganap sa'kin magmula ng bumangon ako sa kama.
Eh di bumangon na ko. Malamang madilim. Walang ilaw ang kwarto ko at wala pang araw sa mga oras na 'yun. Syempre lakad lakad hanggang sa makarating sa paroroonan kong pinto. Pero bago pa man din ako makarating eh sinalubong na ang paa ko ng deputang cord ng charger. Ayun si tanga. Napatid! Eh di syempre, medyo nabanas na ko nu'n. Cranky na kumbaga. So sige, never mind. Naligo na lang ako. Sa kabutihang palad naman eh walang nangyaring kamalasan at katangahan sa'kin sa loob ng banyo. Buti naman talaga.
Eh di kakain na ko. Ulam ko Bicol Express. Ayos sa almusal noh? Oh sige. Eh di ba may sili yun? Kundi ba naman talaga ako binudburan ng katangahan eh... siguro alam mo na ang sasabihin ko? Oo. Tama ka. Nakain ko nga ang deputang pagkaanghang-anghang na sili. Pula pa man din! Anak naman talaga ni Lapu Lapu! Oo, mahilig ako sa maanghang. Pero wag naman sana OA. Hindi natutuwa dila ko eh.
Eh di mag-aayos na ko ng sarili kong wala naman na talagang pag-asang maayos pa. Wapak! Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Buti na lang talaga at susunduin ako ng best friend ko dito sa'min. Kaya wala akong pake du'n. Nabanggit ko lang naman ang pagbuhos ng ulan.
Eh di papunta na kami sa LRT. Pero bago yun, habang nasa kotse pa lang, may narealize na agad akong katangahan. Naiwan ko ang envelope na naglalaman ng chapter one ng research paper namin! Anak ng tokwa naman talaga oh! Pero sige. Pinalampas ko na lang. Di naman talaga kailangan yun eh. Mas kailangan ko pa nga yung envelope.
Eh di asa LRT na kami. Eto na ang talaga namang katangahan at kamalasan! Nakalimutan ko wallet ko! Malamang, andun pera ko. Andun ATM ko (na ngayon ko lang narealize eh wala naman na palang laman, useless din). At.. At.. ATTT! Andun ang USB na naglalaman ng deputang chapter two ng research paper namin na pinagpuyatan ko. So ako, talaga namang naloloka at nawiwindang na. Hindi ko alam kung uuwi ba ko para kunin yun o ano. 6:30 na kasi. At 7:30 first subject ko. At yung 7:30 pa na yun ay ang English class ko! Deputa naman talaga. Naku! Eh wala. Eto pa din ang binagsakan ko, umutang na ako ng 50 sa best friend ko, at saka naglakbay muli pauwi. 8 na ko nakarating sa school. Nakakatuwa naman talaga! Buti na lang at marami ding late dahil sa lakas ng ulan. Hindi ako nag-iisa. Boohoo!
Gusto ko din palang sabihin na AYOKO SA MAYAYABANG! Sinabi ko lang. May mayabang kasi sa paligid ko eh. Ayun oh! Tingnan mo na lang kung sino.

Comments
Malas talaga. Kakaloka! Hahaha xD
@Krisel.
Haha. Sanay na kong matulog ng 2 oras. Yung sili dapat sisihin eh xD
@Aileen.
Buti ka pa. Lagi na lang Wednesday nasususpend ang classes. Kainis. Eh wala kong pasok pag Wednesday. Madaya. Hahaha :D