Skip to main content

No guts, no glory.

Walang kamatayang essay. Sa tuwi na lang papasukan ko ang room NB304, nababadtrip ako. Pa'no ba naman, pagpasok na pagpasok ko pa lang, isang kagila-gilalas na essay agad ang sasalubong sa'kin. Anak ng tokwa! Alam mo yung hindi naman siya marunong magturo? Wala nga kong kaalam-alam sa Filipino 2 eh. Tinambakan lang kami ng di matapos-tapos na essay na yan. Every meeting na lang yun ang pinapagawa. Hindi man lang magturo. At kung magbabalak man siyang magturo, mauuwi rin ang lahat sa mga kwento niyang puro naman KALOKOHAN AT KALIBUGAN ang nilalaman.

Take note ah, isa po siyang matandang babae. Hindi naman siya single kaya hindi ko malaman kung bakit ganu'n na lang siya kaadik sa mga malilibog na bagay. Kaya ang sarap mag walk-out ng classroom pag nagsimula na siyang magsalita eh. Dinaig pa mga lalaki ng klase namin. Ayos!

NAKU! Sige. Masyado kasi siyang maraming alam. Ultimo bill ng kuryente, tubig, apartment, cable, sinasabi pa sa'min. Okaaayyyy. PAKE KO?! May balak kang pagbayarin kami?! Boohoo! Sumasakit lang ang ulo ko sa kanya. At ayon nga kay Tagz, natatae daw siya sa inis. Benta eh. HAHAHA :)


P.S.
Bakit 'no guts, no glory'?
Kasi yun ang topic na napili niya para sa aming napakasayang essay kanina. At eto! Isa na ata ito sa mga PINAKA CORNYng joke na narinig ko sa buong buhay ko.

Ma'm: No FG, no glory.
Classmates: Ma'm, anong FG?
Ma'm: First gentleman. *Tapos tawa siya mag-isa.
Classmates: *Titigan muna bago nag labas ng isang malupit na pilit na tawa. HA.. HA.. HA..!!!

Nakakatuwa reaction nu'ng klase eh. Mas natawa pa ko sa pagtawa nila kesa sa 'joke' kuno ni Ma'm. Sabi ko nga kasi, ang dami niyang alam! 



P.P.S.
Pero kahit na ganyan si Ma'm, ang grade ko naman sa kanya ay isang tumataginting na 1.5! At ang mas nakakatuwa pa dito ay NEVER akong nagpasa ng essay sa kanya. Eh yun lang pinagkukunan niya kunwari ng grades niya para sa'min. OHA! Isa lamang yang patunay na isa rin siyang manghuhula. Hula hula ng grades na ilalagay sa class record. Tee-hee!


BTW, nalunok ko nanaman hikaw ko. My God! Is this news still shocking?! Lagi na lang eh. Tiyan ko junk shop na. Boohoo!

Comments

★ Luna said…
Wtf! Nalunok mo na naman? Nak ng. Haha. Ingat ka naman. Leche! Wahaha! :*
May teacher ako dati sa high school. English ang subject kaso religion ang tinuturo nya. Pag monday, magtatanong yun kung sino ang nagsimba kahapon ng Linggo. Pagnagsabi ka ng "Ako po" sigurado mataas ang grade mo:)
Victoria said…
@Luna.
Hahaha. Kasi naman eh. Gutom na gutom na ko kahapon. Di ko namalayan na wala na palang lock. GRRR. Hahaha. :))

@Sparrow.
Wow ah. Anong koneksyon? Hahaha! Okay lang yan. Kanya kanyang tripng mga prof. Bwiset :| HAHA! :)
BabyDoll said…
Mahilig ka ata sa metal eh. Haha! Masarap ba? LOL!
Victoria said…
Oo bhe, MASARAP! Hahaha. Syempre. Metal girl ako eh. Nyak. Napaka corny-ng superhero name. Hahah :D
Michael said…
Ahaha I remember my teacher on that except that he's teaching English and all his quizzes are Essays or "With" Essay.

Wow hindi naman kaya yung mga nagsisipag ang bumabagsak dahil nagkakapalit kayo ng names?

Weee kung hindi isang milagro yan Wahoo! Gusto ko ng ganyan hahaha 1.5!

Wow! nalunok 'nanaman' :D anong lasa?
Victoria said…
Hahaha. Nakakainis kaya ang puro essay. I love writing. But I love writing about something that I like/love. Hindi yung puro non-sense.

Uyy, hindi ah. Lahat kami mataas. The lowest grade that she gave was 1.75. Pero gets, never nga kong nagpasa eh. So sa'n nanggaling grade ko? Baliw talaga prof ko. Hahaha :))

Masarap friend. GRABE! Hahaha xD
Claire Kimberly (CK) said…
alam mo, wg ka nga maghikaw. nakakainis ka =D
Victoria said…
wehhh! may hikaw nga ulit ako eh. hahaha! :))
tagz said…
woot!
haha. nakakatae.
ansaya mo,. pero taas ng grade.
samantalang ako, con todo sa pag-essay. peor mataas din.haha

pekekek.

Popular posts from this blog

Freaking out. Woohh.

I just wanna ask. DID I DO ANYTHING WRONG? Whenever I blog hop, all I say in their chatboxes is "Dropped by. :)" So seriously, what's wrong with that? Is there anything wrong with that statement? PLEASE, TELL ME! I'm kinda freaking out here, you know. Seriously. Okay, so what brought this question up? I was blog hopping when I encountered this girl's account. I was about to type in my usual statement--which is "Dropped by :)"--on her shoutmix. But what happened next just completely shocked me. I don't know why the hell my IP address was banned from her shoutmix. Seeing as that was my first time to visit her site. So she got me a little bit confused. Oh no, wait, scratch that. She got me a lot confused. So I'm kinda, sorta freaking out here. What did I do wrong? BOOHOO! Dahil nakain ko ang hikaw ko sa dila, LANGYA, minamalas ako. Masamang pangitain 'to mga kaibigan!

BITTER!

CLICK FOR A LARGER IMAGE. Eto lang ah, kung hindi niyo matanggap na wala kayo sa top 3, aba'y tantanan niyo ang panlalait. Nagmumuka kayong kawawa eh! Napaka bitter. Oo, nasasaktan ako. Dahil una, school ko yun. At pangalawa, friends ko ang cheering squad. Kaya kung hindi kayo naturuan ng sportsmanship, well, kawawa naman kayo. Mas lalo kayong nagmukang talunan. (Hindi ko nilalahat ah. Yung iba lang na akala mo naman kung sino. Wooohhh.) Status 1 : Yung comment, LUTO daw. Hahaha. Natawa naman ako. Kailan pa nagluto ang FEU?! Hindi mo lang kasi tanggap. Hahaha. Status 2 : Yung comment ulit, tanginang feu daw. HAHAHA! Eh di tangina din kung sa'ng school ka man galing. Boohoo! Status 3 : Itlog daw ang tamaraw. Osige, MEDYO agree ako dito. Hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa mga ulo nila at naisipan nilang magpanggap na manok. Napakalayo naman sa pagiging Tamaraw. Hahaha. Status 4 : Boo FEU daw. Akalain mo, KAIBIGAN ko 'to nu'ng HS ah. Katigas naman talaga ng...

Mga Lalaki Talaga.

MAY BABAE NANAMAN ANG AKING BUTIHING AMA. Well, it's not really a shocking news to me anymore. Ever since I was a little kid, I've known that my father have other 'women' in his life. I actually thought that that was a normal thing. It's only when I reached the 3rd or 4th grade, I think, that I realized that what he's doing was actually bullshit. Oh well, whatever makes him happy. GO DADDY! Honestly, I thought my Dad already quit this crap. But I guess bad habits die hard . So, how did I found out? As usual, through the ever-so-proficient technology . I don't have any load, so I borrowed my Mom's phone. But she said she was using it, so she gave me my Dad's phone instead. I was just about to delete my message from the Sent Items folder when I saw this unknown number. Pakielamera ako eh, and I got a bit curious, so I opened the two message that my father sent to this--whoever this person is. First message : "Darling wala lang namimiss...