Gusto ko lang i-share na parang di na ko marunong mag-English. Dati, puro English yung mga posts ko, ngayon, wala na. Sabaw! Muka na kong Tagalog. Hindi nga lang pure. Pero Tagalog pa din. Kaya wag ka ng umangal. Try mong magsalita ng Tagalog talaga. Yung tipong walang halong kahit anong banyagang salita. Tingnan natin kung hindi dumugo yang ilong mo.
MOVING ON.
Midterm exam namin sa Accounting kanina. Mariosep! 6 hours na break. Huling klase ko 9 AM. Tapos 3 PM pa yung walanghiyang exam. Kamusta naman. Eh di as usual, mag-aaral DAW kunwari. Hanggang sa kwentuhan na lang ang inabot namin sa Library. Eh siyempre, ang mga kwentuhan namin, lalo na pag break, nauuwi lang sa dalawang bagay. Una, mapapasabak kami sa matinding lamunan. (Teka, may kwento pala ako du'n. Share ko mamaya.) At pangalawa, Counter Strike. Tama, counter strike. Lalaki nga ako eh. Bakit ba?! Mahilig ako sa mga bagay na kadalasan ay natitripan lang ng mga lalaki. Masama ba?
Nakatikim ka na ba ng street foods? Yung fishball, isaw, siomai, burger, turon, mani, mangga, patatas, kikiam, chicken balls, sweet corn... (Lintek! Nagutom ako bigla ah!) Yun din ang mga pagkaing napakasustansya at napakalinis. Pero kahit na. Masarap pa din. MURA PA! Ako pa. Eh ako ang taong parang pinagkaitan ng pera. Lagi na lang broke. Ewan ko ba kung bakit. Lagi pa naman akong gutom at natatakam sa mga pagkaing kalye. Muka tuloy akong buraot. Buraot dito, buraot du'n. Kaya busog pa din kahit na 5 piso lang ang pera. At kung hindi ka pa nakakatikim nu'n, malamang lamang eh ubod ka ng yaman o kaya naman ubod ka lang ng ARTE. Kaya kung ako sa'yo, ganito lang yan. Isipin mo na mahirap ka at kalimutan mo lahat ng mga katarantaduhang sinabi sa'yo ng mga magulang mo tungkol sa mga pagkaing kalye. Dahil lahat ng yun ay pawang kasinungalingan lamang. Buhay pa naman ako di ba?!
O kaya naman eh, bawas-bawasan mo ang pagiging maarte at pagfe-feeling na isa kang Ayala o kaya naman eh pagpapanggap na isa kang apo sa tuhod ng mga Lopez at Cojuanco. Tigilan mo na yan. Kumain ka na lang ng fishball at isaw. Baka sakaling matauhan ka na.
Ewan ko ba kung bakit wala akong masabing matino. Pasensya na. Sabaw ang utak ko eh. Nilamon ng Accounting.

Comments
masarap ang street foods! nagutom ako! =))
Mdami lng tlga ndi nkkaintindi ng entertainment value ng gory shooting PC games! Hahaha.
The best ang street food ~ FISHBALL FOREVER! Hahaha.
Cge2, magta-Tagalog din ako sa isang buong post :D
Haven't played Counter Strike in years! Busy fixing my blog. I love STREET FOODS though! I love fishballs. And guess what? I am crazy with oneday old chicks! I dont see any of those here in Katipunan. Last time I had those was a month ago in Cubao. When in Baguio I indulge in them! Do you eat Oneday old chicks too? Hehehehehehehe ;)
makakain nga..tsk! miss ko na rin ang street pudz..hmmp.
pero pinaka fave ko ung pinoy..hehe! (:
Ako din, gusto ko. Libre mo ko? :D
@Erica.
Oo, masaya talaga. Sobra! Yung feeling pa pag nakapatay ka. Ang saya! :D At nabasa ko na ang Tagalog post mo. Magaling! :P
@Adnos.
Years? Oh honey, you've missed A LOT. Lol. One day old chicks? That's balut right? Yup. I eat those. But haven't eaten one lately. :P
@Lianne.
Mahirap talaga. Kahit ako naloloka eh. Hahaha :) Okay naman. May parts na madali, merong mahirap. Grabe. Sana pumasa! :D
@Mark.
Gusto ko din ng kwek kwek. Waha! Ginugutom ako! Hahaha :DDDD
@Prince.
Hindi ba pinoy ang street foods? Ano? Teka. Naguluhan ako sa comment mo. Hahahah!
Isaw na Isaw talaga! Walang katumbas sakit lang sa tiyan lol. Ahahahaa!
Mukang magkakasundo kami ng kapatid mo :)
Walang katumbas talaga. Hahaha. Sumasakit tiyan mo? Ako hindi. Hahaha xD
Ako naman di ko kayang mag salita ng walang halong english...trained kase ako sa english eh..wahaha
Hindi mahirap ang collge. It's fun actually :)