4 AM. Kring kring. Okay, hindi naman ganyan ang tunog ng alarm clock ko. Pero dahil di ko alam kung pa'no ko bibigyang interpretasyon ang tunog na gumigising sa'kin tuwing umaga, pagtiyagaan mo na lang 'to. KRING KRING! Tinatamad pa kong gumising. at bumangon. Snooze muna. Matapos ang 15 minutes, kring kring! Tinatamad pa din talaga ko. Snooze ulit. Snooze ng snooze hanggang sa mag-5 AM. Babangon na nga sana ng biglang may kumatok sa pintuan ko. Ang napakabait naming katulong na napakahilig manggulat. Akala mo naman kung sinong bigla bigla nalang bumabalandra sa pintuan ng kwarto ko. Adik pa naman ako sa kape. Walang koneksyon, alam ko.
Na stuck-up ako sa banyo. Nakaupo lang sa trono habang nagda-day dream na ako'y mahimbing pang natutulog sa kama ko. ASA! Sinampal ang sarili. Aba'y kailangan mo ng kumilos, ineng. Lagot ka nanaman sa best friend mong lagi mo na lang pinaghihintay. Naku po. Patay! 20 minutes. 20 minutes lang naman akong nasa loob ng banyo (at oo, hindi yun normal para sa'kin). 5:20 na. 5:30 kami magkikita. Ayan na. Nagtext na. Punta na daw ako. Sus mariosep! Wala pang laman ang tiyan. Wala pang kaek-ekan ang muka. Wala pang laman ang bag--nakakalat lahat sa kung saan. AT WALA PANG JOGGING PANTS! Natataranta at napaparaning ako habang naka-shorts. Sige, lamon habang nakatayo. Subo, lunok, inom, subo, lunok, inom. Wala ng nguya nguya!
Toothbrush pa pala. Takbo sa banyo! Mag-toothbrush ka habang nagsasalaksak ng gamit sa bag. Sana lang ay wala ka nanamang makalimutan. Alam mo namang tanga ka eh! Woah! Ayun na. Kakaripas na sana ako ng takbo ng marealize ko na, wala pa nga pala akong suot na jogging pants at sapatos. Eh sus maria! Sige, halungkat ng cabinet. Asa'n sapatos? Asa ilalim ng kama. Ayun. Suot. Alis. SUCCESS!
Pagdating ko sa lugar na pagkikitaan namin, anak naman talaga ni Magellan! Matapos akong patarantahin ng bonggang bongga, wala pa pala ang gaga! Medyo naghintay lang naman ako ng almost 10 minutes. (Para sa taong naghihintay, matagal na yun.) Haggard look tuloy ako. Di man lang nakapagsuklay. Kakaloka talaga. Bruha kung bruha. NEW LOOK! Bagong pauso ko yan.

Comments
ano ba naman araw mo becs?! lagi na lang ba ganyan? kawawa ka naman. =))
Your hilarious! Well, 2 things came out of that episode! 1) you could multi task! and 2) You're still on time! Hehehehehehehe. I'll be dropping by more often! See you around. :)
Nakakabaliw talaga :D
@CK.
Lagi na nga ata talaga. Wala na kong choice. Hahaha xD
@Adnos.
Hilarious? I'm probably more on the crazy side than hilarious. Hahaha :)) Thanks for that. *Flattered. :D
@Saul.
Haha. Kailangan eh. Kundi, patay nanaman ako. Hahaha :)) Chaka, masaya kumilos ng mabilis. Exciting! :D
Aligaga talaga. KAKALOKA! :))