Skip to main content

mother nature's calling.

Kakauwi pa lang. Sakit ng ulo ko. Boohoo! Pero, blog post muna. Syempre. Alam niyo naman ako. Wooh! Lol.


Na-experience mo na ba yung natatae ka sa gitna ng kawalan, tapos medyo malayo-layo pa ang iyong uuwian, at matagl-tagal pa bago ka makarating du'n? Eto pa ah. Tumatayo na lahat ng balahibo mo sa katawan at talaga namang hindi ka na mapakali. GRABE!

Ohhh. Kung iniisip mong personal experience ko yan, well, hindi. Hindi ka talaga nagkakamali. Anak naman kasi ni Lapu Lapu! Grabe talaga yung feeling na yun. Nasa school pa man din ako. Sobrang pinagtripan na nga ko ng mga blockmates ko eh. Pa'no ba naman kasi, yung tropa ko sampung taon kumilos. Kung anu-ano pang orasyon pinaggagawa. Nagwawala na tuloy ako sa classroom. Okay lang yan. Sanay na mga kaibigan ko sa kaingayan at kawalang hiyaan ko. :)

MOVING ON.
Nagyaya pa ng inuman ang mga abnormal. Define walang pera. As usual, ako nanaman yun. Walang pinagbago. Wala ngang bayad yung alak, sakit naman sa ulo nu'ng pamasahe. Mariosep! Tapos, anak ng pating! BROWN OUT pa sa Recto. Ang lakas pa ng ulan. Samahan mo pa ng namimicture na langit at nagbo-bowling na ulap. Hassle! Buti na lang at girl scout ako. Always may payong. OHA!

MOVING ON ULIT.
Ganda na ng bagong sched namin pag Monday and Thursday. Nakakaasar! Dahil tapos na ang PE namin (aww, wala ng basketball), ang subject namin ay naging dulo-dulo. 7:30-9 AM tapos 1:30-3 PM. Kamusta naman ang four and a half hour na break. Kaya ayun. Stuck-up kami ng tropa ko sa computer shop at naglalaro ng walang kamatayang COUNTER STRIKE!

At ayun nga ang naging sched namin kanina. Eh deputang prof yan. Matapos naming maghintay ng apat at kalahating oras, HINDI KAMI PAPASUKAN?! Kalokohan ampota! Eh di sana hindi na lang ako pumasok. Mahimbing pa sana kong natutulog sa kwarto ko. Jusmio! Kakaasar.


Oh wala. Shinare ko lang. Sige na. Maglalabas na ko ng sama ng loob sa banyo. BOOHOO!
Sorry kung nandiri ka man sa mga ibang bagay na nakalagay sa post ko ngayon. Deretsahan talaga ko magsalita. Walang paligoy-ligoy. Huwag ka na lang kokontra. Blog ko naman 'to eh. Tawa ka na lang. HAHAHA!

Comments

nikka said…
haha. mukhang fresh na fresh pa ang *** este ung blogpost ha. natawa ako dun. well, siguro naman lahat na rin ata naexperience yun. di lang kinkwento! hahaha. XDD an tapang mo nga eh, kinwento mo pa. lol. oh, nailabas na ba? hehe. :)
Victoria said…
hahaha! baliw :)) lahat na naexperience yun. malakas lang talaga loob ko. para naman may funny kwento, di ba? hahaha :)) SUCCESS na bhe. hahah xD
Anonymous said…

Wow, congratulations at successful ka na. Haha. Next time, bring your own arinola. Karirin na ang pagiging tunay na girl scout. Haha. Nakakatawa tong post na to. Adik!
tagz said…
woot. pinapak nman ako ng lamok sa canteen. taz walang signal..
Victoria said…
Hahaha. Maraming salamat! :)) Onga eh. Parang gusto ko na magdala next time. Para hindi na hassle. Wooohh! Boohoo! Tawa ka lang :))
Victoria said…
@Tagz.
Hahaha. Masarap ka daw kasi. Ayaw mo nu'n?! HAHA! okay lang yan. at least ikaw signal lang ang wala. ako nga LOAD eh. mas masaklap yun. 3 weeks na ata akong hindi naglo-load :))
gin said…
kya pla..may naamoy ako nun..kw pla un?hehe..joke lng becs :) na experience q din yan..nung monday :)haha
Victoria said…
muka mo ginnuel! hahaha :)) ikaw kaya yung nangangamoy! AMP :D

Popular posts from this blog

What the fuck?!

I feel so fucking insecure right now---and probably until tomorrow, and the next day, and the day after that, and.. err. Oh, fuck it! And the reason for this is something that I am yet to find out. Comments, suggestions, reactions, something, anything ? Ugh, whatever. Off to bed now. Good night fucked up world. That F word really is something. EMO.
There are TINY RED ANTS all  over my keyboard. And I'm having a seriously hard time typing when they keep popping out like that. Seriously, I don't know where this stupid little creatures are coming from. If they're not on my bed, they're on my computer. DAMN IT! This is completely shocking me cause I despise sweets. Therefore, I don't eat them. And so, I don't understand what's keeping them in my room. Oh come on! I keep killing and they keep showing up like 10 times more. What are they, like having sex inside my keyboard that's why they keep multiplying?! Okay, I can't take this anymore. Too many ants!! This is crap. RAWWRRRRR!

BITTER!

CLICK FOR A LARGER IMAGE. Eto lang ah, kung hindi niyo matanggap na wala kayo sa top 3, aba'y tantanan niyo ang panlalait. Nagmumuka kayong kawawa eh! Napaka bitter. Oo, nasasaktan ako. Dahil una, school ko yun. At pangalawa, friends ko ang cheering squad. Kaya kung hindi kayo naturuan ng sportsmanship, well, kawawa naman kayo. Mas lalo kayong nagmukang talunan. (Hindi ko nilalahat ah. Yung iba lang na akala mo naman kung sino. Wooohhh.) Status 1 : Yung comment, LUTO daw. Hahaha. Natawa naman ako. Kailan pa nagluto ang FEU?! Hindi mo lang kasi tanggap. Hahaha. Status 2 : Yung comment ulit, tanginang feu daw. HAHAHA! Eh di tangina din kung sa'ng school ka man galing. Boohoo! Status 3 : Itlog daw ang tamaraw. Osige, MEDYO agree ako dito. Hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa mga ulo nila at naisipan nilang magpanggap na manok. Napakalayo naman sa pagiging Tamaraw. Hahaha. Status 4 : Boo FEU daw. Akalain mo, KAIBIGAN ko 'to nu'ng HS ah. Katigas naman talaga ng...