HINDI NAMAN PO KASI AKO MARUNONG MAKIPAG-AWAY. MAHILIG LANG TALAGA KO MAKI-EPAL AT MAKISAWSAW. HAHAHA!
Biruin mo ba naman, 3 versus 1? ASTIG! Tinawag na kong, epal, boba, walang utak, defensive, nakakasuka, nakakaawa, tumawa pa din talaga ako. Kung hindi nga ba naman kasi talaga ako abnormal na nilalang. Kasi naman eh. Ano naman ngayon kung girlfriend ka nu'ng tao? Wala ka pa ding karapatan na mang-insulto. Feeling mo naman napakaganda. Gumanyan ka kung pang Miss Universe yang muka mo! Hindi pang Miss Barangay! Kalokohan. Hahaha.
Kung may Facebook ka, alam mo naman siguro kung ano yung Friends For Sale dun. Ayun. Yung abnormal na application na yun ang nagsimula ng kalokohan na 'to.
May blockmate kasi kami dati. Binili ng isa kong friend. Hala, eh nagalit yung girlfriend. Pagkabili niya sa boyfriend niya, pinalitan niya ng nickname na: "Kung mang-aagaw ka, siguraduhin mong maganda ka!" Eh syempre, insulto. At malamang, yung kaibigan ko lang ang pinaparinggan nu'n dahil siya ang huling bumili. At dahil ugali na ng mga Pilipino ang back-up-an ang kaibigang inaapi, syempre to the rescue kami ng tropa ko.
Sumbungera daw. Eh sila nga tong sunod-sunod na nagsulputan eh. Tapos ako lang mag-isa? Galing ko naman. HAHA! Ang kaso, di ako marunong makipag-away eh. Malas! LMAO.
Comments
Nairita ako sa taong yun. Resbakan natin gusto mo? Ako aaway sa kanila. =)
Gaga! Kaya nga hindi marunong makipag-away eh. Kasi tinatawanan ko na lang. BALIW! Kung marunong ako makipag-away, eh di sana, sinasagot sagot ko din siya. di ba? di ba? HAHAHA!
@Baby Boy.
HAHAHA! Loka loka talaga. Yun na nga. Application nga lang yun, napaka OA niya mag-react. Hahaha! Naku, kahit sa Tondo, walang bibili sa kanya! Woohhh! Hahaha xD
Naku, wag na. Mas gusto ko siyang tawanan. Mas nakakatuwa. Hahaha!
@Sparrow.
Hindi na nga po eh. Tinatawanan ko na lang ang muka niyang NAPAKAGANDA! :))
Nangaaway na pala ako dito. Hahahahaha!
Nangaaway na pala ako dito. Hahahahaha!
nag-aaway away sila.
sana nag-cheerdance competition nlng kau. :))