Skip to main content

EX-HOOOSS-TEDDD.

Ayon sa professor namin sa Logic, eto na raw ang bagong pronounciation ng salitang exhausted: EX-HOOOSS-TEDDD. Alam mo yung konseptong hinga ka daw muna ng malalim at saka mo bigkasin ang salita na dapat eh prolonged pa ang haus. Kailangan daw HOOOOSSSSS. Dapat kasi wala ka na daw hininga pagkatapos mong sabihin ang salitang yun. At dapat din pala, nanlalaki ang mata. O.O

Bakit ba kasi may mga professor na sadyang nakakainis? Alam kong parte ng buhay estudyante at pag-aaral yun. Hindi talaga pwedeng mawala ang mga kinaiinisang prof. Pero grabe naman kasi siya. Parang wala ng bukas. Alam mo yung tapos na ngang magpa-quiz at lahat lahat, nakuha pa niyang mag-discuss ng bagong topic. Napiga na nga mga utak ng estudyante niya dahil sa napakadali niyang quiz, ganun pa siya. Mas lalo lang kaming walang maiintindihan n'yan eh. Tanga talaga. Nakakabwiset.

Sige lang. Kahit nahihilo na ko. Kahit na mas lalong umiikot ang mundo ko sa nakakairita niyang boses at sa nanlalaki niyang mata. Kakayanin! Kung pwede lang talagang batuhin ng white board marker at eraser yung kumag na yun, matagal ko na sigurong ginawa. Yung klasmeyt ko kasi eh. Babatuhin na sana siya ng papel. Eh tanga, biglang lumingon. Di na tuloy niya nabato. SAYANG talaga. Bwiset naman kasi. Unang subject ko pa man din siya. 7.30am. Umagang umaga eh sinisira na agad ng Logic ang araw ko. Nakakawalang gana talaga. Buti na lang talaga at Pisikal Edukasyon ang sunod kong subject. Kahit na hindi ako ganun kagaling mag-basketball, idadaan ko na lang sa pag-shoot ng bola ang sama ng loob ko sa pagkakaro'n ko ng  isang walang kakwenta-kwentang pandak na professor.

Masakit na talaga ulo ko. Gusto ko na kumain. Kahit kakatapos ko lang.


(Medyo na-inspire lang akong mag-Tagalog ngayon.)

Comments

BEBENG said…
haha.
logic sayo?
ako business math. haha.
Victoria said…
Oo. putek. nakakainis. haha.
Isabelle said…
lam mo becs no choice tayo... haha... ox lng yan hindi pa naman siya ang worst eh... :D kaya pa yan... midterm naman na eh diba... hahaha....
Victoria said…
Hahaha. Yun lang. No choice talaga. Ampupu :| Kakayanin. Tangna naman kasi. Asa harapan pa ko. Kitang kita ko ang paglaki ng mata niya. Nakakatakot. O.O
tagz said…
sayang. di ko nkita ung 'ex-hossdd-teddd' nia. niaantok kasi ao sa dulo eh. hirap kea nung may boring na subject taz bobong katabi. :D

pano kea kung wla na taung pe no?
taz hanggang finals pa yang logic na yan. :(
Victoria said…
ayy puta. sayang. ang shet kaya nu'ng exhausted niya. sa'kin pa siya nakaharap. nakakatakot. kaya nga ba minsan ayoko ng nakapwesto sa lugar na yun eh. nakakaasar. hahaha xD

ayy. wag. masaklap yun. masaya kaya basketball. kung hindi lang ba ko hinihingal eh. woot.
tagz said…
k lng khit hingalin ka. me inhaler ka db.. puff puff lng. :D
Victoria said…
baliw. mahirap pa din. hahaha xD
tags said…
anlakas mo nga e.
kung ao siguro yan,
kangkongMan na ako. :)
Pia said…
Tama tama. Well done. Napaka galing mo mag paliwanag. Hahaha. Nakita mo naman siguro ung drawing ko sa papel after class natin diba? Lol. Habang nag didiscuss nga siya e nakatingin ako sa inyo in faye. Pucha, Natatawa kayo. Halatang halata. Medyo nakita nga din kayo ni ma'am nun e. Mgas loka loka. :))
Victoria said…
@Tagz.
NAMAN! Masaya kasi mag-basketball. kaya kahit anong hirap, kakayanin. hahaha :)


@Pia.
Haha. Thank you, thank you. Eh kasi naman. Tangna. Asa harapan pa man din ako. Mas lalo tuloy naging comedy. Kitang kita ko ang nanlalaki niyang mga mata xD Oo. Tawang tawa na kami ni Fay nu'n eh. Kaloka naman kasi. Hahaha :))
Victoria said…
@Tagz.
NAMAN! Masaya kasi mag-basketball. kaya kahit anong hirap, kakayanin. hahaha :)


@Pia.
Haha. Thank you, thank you. Eh kasi naman. Tangna. Asa harapan pa man din ako. Mas lalo tuloy naging comedy. Kitang kita ko ang nanlalaki niyang mga mata xD Oo. Tawang tawa na kami ni Fay nu'n eh. Kaloka naman kasi. Hahaha :))
kat said…
hahahha! ganun tlga. kelangan nanlalaki mata.. porma nga eh.. ambagal pa magsalita.. parang tanga! ai nku mamamatay din yan.. antayin nlang nten.. hahahha! sama eh noh..
Victoria said…
tangina. bukas, patay na yun. wooohh! haha. ang sama talaga eh. bwiset naman kasi siya eh. panira sa buhay. asa harap pa man din ako x|
tagz said…
grbe nman kat.
di mo ba nkikita ung sarili mo sa kanya? :DD
Victoria said…
Hahaha. Lagot ka Tagz. Ayan na si Kat oh xD
kat said…
gagu ka tagz. eh nanay mu nga un eh. hahahha! taena nun.. cnusumpa ku ung gagung un!
tagz said…
gagu. wala akong nanay na pandak. eh di sana panda dn ako. bka ikaw.haha

gagu khit pandak un sikat xa.
bulilit.. anliitliit. :D
tagz said…
gagu. wala akong nanay na pandak. eh di sana panda dn ako. bka ikaw.haha

gagu khit pandak un sikat xa.
bulilit.. anliitliit. :D
Victoria said…
Para kayong tanga! hahaha. ge mag-bangayan kayo sa blog ko xD
Anonymous said…
wahahahaha.. :)andito na ko :] na add na kita sa link ko :)
eyah said…
lab it betchay!!hehe lab mu si chacha ha?haha
eyah said…
lab it!! logic lab mu b un?>haha
Victoria said…
hahaha. kainis! mahal na mahal ko talaga siya. hahaha

Popular posts from this blog

Freaking out. Woohh.

I just wanna ask. DID I DO ANYTHING WRONG? Whenever I blog hop, all I say in their chatboxes is "Dropped by. :)" So seriously, what's wrong with that? Is there anything wrong with that statement? PLEASE, TELL ME! I'm kinda freaking out here, you know. Seriously. Okay, so what brought this question up? I was blog hopping when I encountered this girl's account. I was about to type in my usual statement--which is "Dropped by :)"--on her shoutmix. But what happened next just completely shocked me. I don't know why the hell my IP address was banned from her shoutmix. Seeing as that was my first time to visit her site. So she got me a little bit confused. Oh no, wait, scratch that. She got me a lot confused. So I'm kinda, sorta freaking out here. What did I do wrong? BOOHOO! Dahil nakain ko ang hikaw ko sa dila, LANGYA, minamalas ako. Masamang pangitain 'to mga kaibigan!

BITTER!

CLICK FOR A LARGER IMAGE. Eto lang ah, kung hindi niyo matanggap na wala kayo sa top 3, aba'y tantanan niyo ang panlalait. Nagmumuka kayong kawawa eh! Napaka bitter. Oo, nasasaktan ako. Dahil una, school ko yun. At pangalawa, friends ko ang cheering squad. Kaya kung hindi kayo naturuan ng sportsmanship, well, kawawa naman kayo. Mas lalo kayong nagmukang talunan. (Hindi ko nilalahat ah. Yung iba lang na akala mo naman kung sino. Wooohhh.) Status 1 : Yung comment, LUTO daw. Hahaha. Natawa naman ako. Kailan pa nagluto ang FEU?! Hindi mo lang kasi tanggap. Hahaha. Status 2 : Yung comment ulit, tanginang feu daw. HAHAHA! Eh di tangina din kung sa'ng school ka man galing. Boohoo! Status 3 : Itlog daw ang tamaraw. Osige, MEDYO agree ako dito. Hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa mga ulo nila at naisipan nilang magpanggap na manok. Napakalayo naman sa pagiging Tamaraw. Hahaha. Status 4 : Boo FEU daw. Akalain mo, KAIBIGAN ko 'to nu'ng HS ah. Katigas naman talaga ng

Mga Lalaki Talaga.

MAY BABAE NANAMAN ANG AKING BUTIHING AMA. Well, it's not really a shocking news to me anymore. Ever since I was a little kid, I've known that my father have other 'women' in his life. I actually thought that that was a normal thing. It's only when I reached the 3rd or 4th grade, I think, that I realized that what he's doing was actually bullshit. Oh well, whatever makes him happy. GO DADDY! Honestly, I thought my Dad already quit this crap. But I guess bad habits die hard . So, how did I found out? As usual, through the ever-so-proficient technology . I don't have any load, so I borrowed my Mom's phone. But she said she was using it, so she gave me my Dad's phone instead. I was just about to delete my message from the Sent Items folder when I saw this unknown number. Pakielamera ako eh, and I got a bit curious, so I opened the two message that my father sent to this--whoever this person is. First message : "Darling wala lang namimiss