Gusto ko lang malaman kung ano ba ang nahihita ng mga taong nagyoyosi. Sus. Sana pala eh tinanong ko na lang ang sarili ko kung ganun. Ano ba kasi ang nakukuha ko sa sigarilyo? Nakakasira ng baga, nakakadagdag sa polusyon at higit sa lahat nakakabawas sa allowance. 20 pesos rin yata ang kalahating kaha noh. Naimpambili ko pa sana yun ng pagkain. Nabusog pa ako at mga bulate ko sa tiyan. Pambihira naman kasi yang nakaimbento ng sigarilyo. Isa siyang napakabuting nilalang na hulog ng langit sa sanlibutan.
Dapat talaga kahapon eh isang linggo na kong hindi nagyoyosi. Kaso naman kasi nu'ng Friday, nagkayayaan ng inuman. Syempre, hindi naman mawawala ang sigarilyo pag may lasingan. Kaya ayan. Napasubo tuloy ako ng wala sa oras. Alam kong pwede ko namang iwasan kung gugustuhin ko, eh yun lang, ang tagal (oo, matagal na para sa'kin yun) ko na kasing walang naibibigay na usok sa baga ko. Napilitan ako. Nakakainis.
Hindi naman ako sobrang adik sa yosi. Kaya kong hindi humithit ng hanggang dalawang araw. At yun ay dahil walang pasok at tinatamad akong lumabas ng bahay para bumili ng nakamamatay kong bisyo sa buhay. Pero oras na ako ay nakalabas na sa lungga na 'to, may yosi na agad. Hindi naman ako bawal mag-yosi eh. (Oha! Alam ng magulang ko lahat ng bisyo ko sa buhay!) Pero kasi, may asthma ang tatay ko. Kaya syempre, hindi ako pwedeng manigarilyo dito sa'min. Dapat eh nasa kalsada ako.
May asthma nga din pala ko. Yun nga pala ang dahilan kung bakit medyo matagal tagal akong hindi nag-bisyo. Nu'ng nakaraang linggo kasi naganap ang pinakamalalang atake ko ng asthma. Diyos ko po. Pakiramdam ko eh ninakaw ni Satanas lahat ng hangin sa paligid ko. Wala akong masagap. Grabe talaga. Maya't maya eh nagne-nebulizer ako at may oxygen pa. Sa'n ka pa. Kaya 'yun. Napilitan akong wag munang mag-yosi. Pero ngayon, medyo okay na ko. Feeling ko tuloy mapapasubo nanaman ang baga ko bukas. Sakto, may pasok na. Diyos ko naman talaga.
Sa tingin mo siguro napakabata ko pa para magkaro'n ng ganitong bisyo. Siguro nga. Biruin mo ba naman ang aga kong nagsimulang magyosi. Grade 5 pa lang eh nasubukan ko na. Pero 2nd year ako talagang nagsimula. Sabi ko nga nu'ng 4th year ako, "Sige. Lulubusin ko na 'to. Tapos pagdating ng college titigil na ko." Kung di ba naman talaga ako tanga. Dapat pala eh high school pa lang tinigil ko na. Anak ng tokwa! Mas mahirap pa lang mag-quit pag nasa kolehiyo ka na. Pa'no ba naman, pati mga professor mo, nagyayaya ng yosi break. Muntanga talaga.
Pero okay na yan. Wala na din naman akong magagawa eh. Sisikapin ko na lang na unti-unting bawasan hanggang sa mawala na ng tuluyan. Pambihira naman talaga. Ang dami kong kailangang itakwil sa buhay ko. Masaklap.

Comments
gaga! quit ka, quit ako. ano, game? hahaha xD
@Mich.
as if siya hindi nagyoyosi! naku. tigilan mo nga ko! hahaha :))
Tamo! Sus. Tingnan natin bukas, balik ka ulit diyan! hahaha xD
@Pon.
Wahh. Hirap bhe eh. Feeling ko maloloka ako :| Haha,
tama. gnun tlga kapag nsanay k s isang bagay. mhirap n alisin. pero try mo paunti2 mw2la dn yan. :)
Naku. Tama. Wag mo ng simulan. Mahirap pigilan. Tsk. Hahaha :)
@Joni.
Kaya nga eh. Nakakabanas. AMP. Kakayanin. Pero tae. Nakailang yosi ako ngayon. 6 ata. WAHHHH. Kaasar :|
@Marai.
Ang hirap eh. Huhuhu :(