Gusto ko lang malaman kung ano ba ang nahihita ng mga taong nagyoyosi. Sus. Sana pala eh tinanong ko na lang ang sarili ko kung ganun. Ano ba kasi ang nakukuha ko sa sigarilyo? Nakakasira ng baga, nakakadagdag sa polusyon at higit sa lahat nakakabawas sa allowance. 20 pesos rin yata ang kalahating kaha noh. Naimpambili ko pa sana yun ng pagkain. Nabusog pa ako at mga bulate ko sa tiyan. Pambihira naman kasi yang nakaimbento ng sigarilyo. Isa siyang napakabuting nilalang na hulog ng langit sa sanlibutan. Dapat talaga kahapon eh isang linggo na kong hindi nagyoyosi. Kaso naman kasi nu'ng Friday, nagkayayaan ng inuman. Syempre, hindi naman mawawala ang sigarilyo pag may lasingan. Kaya ayan. Napasubo tuloy ako ng wala sa oras. Alam kong pwede ko namang iwasan kung gugustuhin ko, eh yun lang, ang tagal (oo, matagal na para sa'kin yun) ko na kasing walang naibibigay na usok sa baga ko. Napilitan ako. Nakakainis. Hindi naman ako sobrang adik sa yosi. Kaya kong hindi humithit ng h...
The blog of pure randomness.